LA PAZ, Tarlac - Dalawa sa tatlong hinihinalang cattle rustler at kawatan ng bombang patubig na kumikilos sa ilang lugar sa bayang ito ang iniulat na napatay matapos silang makipagsagupaan sa mga pulis sa La Paz-Victoria Road sa Barangay Matayumtayum, La Paz, Tarlac, Linggo ng madaling araw.

Isa sa napatay ay kinilala ng kanyang ina na si Arnold Bildan, 40, may asawa, ng Sitio Buno, Bgy. Matatalaib, Tarlac City. Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng isa pang napatay, na nakalagak ang labi sa Lotus Funeral Parlor sa Bgy. Sta. Cruz, Tarlac City.

Tatlong iba pa ang nakatakas sa kasagsagan ng engkuwentro.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Dominador Yadao, nakipagbarilan sa mga pulis ang limang suspek hanggang sa mapatay ang dalawa sa mga ito, at nakumpiskahan ng tatlong water pump engine, bolt cutter, iba’t ibang tools, pitcher water pump at limang galon ng diesel.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakarekober din ang mga pulis ng dalawang .38 caliber revolver, apat na bala, isang transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu at iba pang paraphernalia. (Leandro Alborote)