CANDELARIA, Quezon – Patay ang isang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang bumibiyahe sakay din sa motorsiklo sa Maharlika Highway sa Barangay Masin Sur sa bayang ito, mag-aalas sais ng umaga nitong Sabado.

Kaagad na nasawi si Laura Atienza, 46, factory worker, habang binawian naman ng buhay habang isinusugod sa ospital si Danilo Atienza, 50, kapwa taga-Bgy. Palagaran, Tiaong.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito