gretchen-copy-copy

MAGSASAGUTAN pa yata sina Gretchen Barretto at G Toengi dahil sa reaction na “Seriously!?!?” ni G sa post ni Gretchen na, “Finally AFTER 27 years PRESIDENT FERDINAND MARCOS at the Libingan ng mga Bayani. MARCOS PA RIN.”

Kaya lang, habang hindi pa nababasa ni Gretchen ang reaction ni G dahil busy sa workout, netizens pa lang ang nagre-react at kanya-kanyang kampihan na sa dalawa. 

Paramihan sila ng kakampi, but as of now, nananalo si Gretchen sa rami ng pumabor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga nag-unfollow kay Gretchen dahil sa post niya at pag-amin na maka-Marcos, pero may mga bumilib din sa tapang niya dahil kahit alam na maba-bash siya, ipinaalam pa rin ang paniniwala sa pamamagitan ng social media.

Inaabangan ngayon ng netizens ang sagot ni Gretchen kay G. Tingnan natin kung kaninong argumento ang mas tama at kapani-paniwala. (NITZ MIRALLES)