CABANATUAN CITY - Dead-on-the spot ang isang 33-anyos na electrician makaraang harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang motorcycle rider habang nagmomotorsiklo sa Purok Genaro sa Barangay D.S. Garcia sa lungsod na ito, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang nasawi na si Randy Alquiroz y Mempin, may asawa, ng Purok 5, Bgy. San Juan Accfa, habang sugatan naman ang angkas niyang si Anthony De Guzman y Tombo, 29, ng Purok 2, Bgy. San Josef Norte, ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Manuel Carlos Glen Rele, dakong 4:50 ng hapon nang harangin ng dalawang suspek ang mga biktimang sakay sa motorsiklong minamaneho ni Alquiroz at pinagbabaril hanggang sa sumemplang ang sinasakyan ng mga biktima.

Batay sa record ng pulisya, nasa drug watchlist ng pulisya si Alquiroz. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match