682755533TM00071_2016_Ameri

NAKAMIT ng Canadian rapper na si Drake ang kanyang unang American Music Award noong Linggo, at nagtanghal naman sina Bruno Mars, Niall Horan, at girl group na Fifth Harmony sa entablado sa Los Angeles.

Iniuwi ni Drake, 30-anyos, na may 13 nominasyon, ang best rap/hiphop album para sa kanyang mabentang Views, na noong unang bahagi ng taon ay naging unang album na kumita ng one billion streams sa Apple Music.

Sinorpresa naman ni Selena Gomez, 24- anyos, ang kanyang mga tagahanga sa unang public appearance niya makaraang itigil muna ang kanyang world tour noong Agosto para sa pinagdadanan niya na anxiety, panic attacks, at depression dahil sa kanyang lupus.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Rumampa sa red carpet si Selena, isa sa mga nominado sa artist of the year, na nakasuot ng pulang full-length gown.

Si Mars ang nagbukas ng tatlong oras na palabas sa pagtatanghal ng title track ng kanyang bagong album na 24K Magic at nagtanghal naman ang One Direction singer na si Niall Horan ng kanyang acoustic debut single na This Town.

Nakabase sa boto ng fans ang mga nananalo sa American Music Awards. Mula sa sampung nominado sa artist of the year, naging lima na lamang ito noong nakaraang linggo. Natanggal na sina Beyonce, Adele, The Weeknd, at Twenty One Pilots kaya ang natira na lamang na sina Rihanna, Justin Bieber, Gomez, Ariana Grande, at Carrie Underwood ang naglaban-laban.

Itinampok sa pagtatanghal si Sting ng Britain, na naglabas ng kanyang unang album na 57th and 9th pagkaraan ng isang dekada noong nakaraang linggo.

Ginawaran din ang singer-songwriter ng honorary award bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa industriya ng musika.

Nagtanghal naman si Bieber via satellite mula sa kanyang world tour sa Zurich, Switzerland. May limang nominasyon siya, kabilang ang favorite video, male artist pop/rock album and song.

Kasama rin sina Nicki Minaj, Grande, rapper na si Kendrick Lamar, Maroon 5 at Shawn Mendes sa mga nagtanghal.

(Reuters)