bobby_ray_parks_jr-vs-jordan-clarkson-copy

Bibitbitin ng magkapatid na American-born South Korean na sina Eric at Daniel Sandrin ang kampanya ng Alab Pilipinas na ikaapat na koponan mula sa bansa na sasabak sa papaangat na ASEAN Basketball League (ABL) na magsisimula sa Nobyembre 25.

Ito ang kinumpirma ni Alab Pilipinas CEO Charlie Dy kahapon matapos na mapinalisa ang kontrata para sa paglalaro ng magkapatid na Sandrin.

Sinabi din ni Dy na kinakausap pa nito ang miyembro ng Gilas Pilipinas national team na si Bobby Rey Parks Jr. para makapaglaro sa koponan na asam maging ikatlong prangkisa na makapagwagi ng titulo sa pangrehiyong torneo.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Kilala bilang Lee Seung-Jun, ang 38-anyos na si Eric Lee Sandrin ay matatandaan na nakasuntukan ni Ranidel De Ocampo na naglalaro noon para sa Air21 Express taong 2008.

“They are perfect fit sa gustong laro ni coach Mac Cuan. We want a unique combination for our team dahil magkapatid ang aming coaches at gusto din namin pati imports namin ay magkapatid,” sabi ni Dy.

Si Lee ay una nang nagretiro bilang isang professional basketball player kung saan nakapaglaro ito sa iba’t - ibang bansa kabilang ang dalawang taon sa Luxembourg at isa sa Brazil.

Nagbalik ito sa Amerika para sa Bellingham Slam noong 2005 kung saan nakasama ito at naglaro sa loob ng isang taon para sa Harlem Globetrotters kung saan nakuha nito ang pangalan na “Shanghai”.

Naglaro din ito sa Los Angeles Lakers sa NBA Summer League at Sacramento Kings sa NBA preseason.

Kinuha ito ng Singapore Slingers kung saan dahil sa trash-talking nito ay nauwi sa suntukan sa miyembro ng kalaban na Air21 Express matapos na lusutan ito ni de Ocampo matapos mag-dunk para ma-out-of-balance bago ito nasipa ni Homer Se sa sumunod na tagpo. Naglaro din ito para sa South Korea noong 2010 Asian Games.

Ang nakababata nitong kapatid na si Daniel Sandrin ay naglalaro din sa Korean Basketball League para sa Seoul Samsung Thunders sa pangalan na Lee Dong-Jun. Naging South Korean citizen ang dalawa noong 2009 matapos na itatwa ang kanilang United States citizenship. (Angie Oredo)