Dinampot ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 33-anyos na barangay chairman sa buy-bust operation sa Cotabato City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang suspek na si Bimbo Abdulmanan Diolanen, may asawa, chairman ng Barangay Bagua 3, Cotabato City.

Base sa report, isang PDEA agent ang poseur buyer para makabili ng isang plastic sachet ng shabu kay Diolanen, dakong 10:00 ng umaga.

Nakumpiska kay Diolanen ang 10 sachet ng shabu na nasa 20 gramo at nagkakahalaga ng P76,000, isang .45 caliber Springfield Armory pistol na may magazine at dalawang bala, at isang homemade shotgun na may apat na bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Jun Fabon)