julia-joshua-at-maris-copy

MAIKLING “I’m still on cloud nine” ang reaction ni Julia Barretto sa pagkakapili ng pelikulang Vince & Kath & James bilang isa sa Magic 8 ng 2016 Metro Manila Film Festival.

Sinundan niya ito ng, “We are all so excited for everyone to see the movie on December 25! Congratulations Team VKJ! #MMFF2016.”

Isa sa mga isinumiteng entry ng Star Cinema sa MMFF ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Julia, Maris Racal, Ronnie Alonte at Joshua Garcia sa direction ni Ted Boborol. Tuwang-tuwa ang kanilang fans na nangakong susuportahan ang pelikula mula sa announcement ng execom ng MMFF, Parade of Stars sa December 23, hanggang sa last day ng showing.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

May countdown na ang fans sa opening ng Vince and Kath and James at tiyak na lalo silang matutuwa kung narinig nila ang positive comments ng screening committee members na pumili sa pelikula para mapabilang sa Magic 8 ng filmfest.

Hindi maalala at mabanggit ang pangalan ni Joshua, pero na-single out siya nina Nicanor Tiongson at Mae Paner sa mahusay na pagganap sa kanyang role. Narinig pa naming may nagsabing he has the making of another John Lloyd Cruz.

Naniniwala rin ang selection committee na maaabot ng MMFF ang target nilang P1.5B gross receipt sa pamamagitan ng mga napili nilang pelikula. Kapag napanood na raw, kakalat na magaganda ang entries through word of mouth at dahil na rin sa mga masusulat ng press people, reports sa TV at sa iba pang klase ng media. (NITZ MIRALLES)