erich-at-daniel-copy

TAWA nang tawa sa amin si Erich Gonzales pagkatapos ng Q and A ng Be My Lady nang banggitin namin ang sinabi niya sa amin sa finale presscon ng Two Wives na, ‘Ate Reggs, nang-iintriga ka, ha?”

Kami kasi ang unang nagsulat na magdyowa na sila noon ni Daniel Matsunaga, dahil nahuli namin silang naglalambingan sa Grub Restaurant habang nagpapatay ng oras dahil may guesting siya noon sa programa nina Boy Abunda at Kris Aquino.

“Ah, okay,” sabay baling kay Daniel, “remember when we have a promo, we were in Grub? Wala pa kami nu’n,” sabi sa amin. “Char lang, ha-ha-ha. Wala pang aminan noon kami,” tumatawang sabi ni Erich.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

O, di ba, Bossing DMB, laging nagde-deny ang mga nasusulat natin, pero kalaunan ay umaamin din naman.

Anyway, tinanong namin sina Erich at Daniel kung aware ba sila na may kasabihan na sa showbiz na kapag nagsuot ng damit pangkasal sa programa o pictorial ang magkasintahan ay nagkakahiwalay?

Ganito kasi ang nangyari noon kina Gabby Concepcion/Sharon Cuneta, Richard Gomez/Sharon, Carmina Villaroel/Rustom Padilla, at iba pa.

“We don’t believe po in premonitions,” sagot ni Erich, “we believe in God. So, if God willing, sa tamang panahon po mangyayari iyon, eh, di masaya. Honestly, hindi po natin alam kung ano’ng mangyayari sa future... kung kami ba talaga in the end. But like right now, ini-enjoy po namin ang isa’t isa at ‘yung foundation ng relationship namin in Jesus Christ.

“Alam din naman namin na in every relationship, hindi lang ‘yun puro saya lang, di ba? Darating tayo sa punto na may mga inisan o magagalit ka. But at the end of the day, there’s two people na who refuse to give up on each other and we’ll make it work naman and we’re almost two years na rin po.”

Anu-ano na ang mga naging away nilang dalawa?

“Naku, small things lang po, walang major. Like inaantok na ako, ‘tapos pipilitin muna niya akong kumain, mga little things lang, kulitan, ganu’n lang,” nakangiting sagot ng aktres.

Pagkatapos sa ere ng Be My Lady ay papuntang New York sina Erich at Daniel kasama ang pamilya ng huli para magbakasyon bago nila ulit umpisahan ang bago nilang proyekto. (Reggee Bonoan)