GUINAYANGAN, Quezon – Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng isang retiradong miyembro ng Philippine Army na binaril ng tatlong hindi nakilalang suspek habang nagmomotorsiklo sa Barangay San Antonio sa bayang ito, nitong Huwebes ng tanghali.
Nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si Augusto G. Abad Gacho, 58, may asawa, ng Bgy. Calimpak, patungong Gumaca nang dikitan siya ng itim na motorsiklo.
Sakay sa motorsiklo ang tatlong suspek, na bumaril kay Gacho sa ulo.
Inaalam pa ang motibo sa pagpatay. (Danny J. Estacio)