BATANGAS CITY - Patay ang receptionist ng isang spa habang sugatan naman ang guwardiya ng establisimyento matapos pagbabarilin ang una ng hindi nakilalang suspek sa Batangas City.
Dead on arrival sa Batangas Medical Center si Melania Diokno, 41, tubong Oriental Mindoro at residente ng Barangay Alangilan sa lungsod.
Ginagamot pa sa ospital si Pedrito Guanzon, 30, guwardiya ng Nuat Thai Massage at taga-Barangay 24, Batangas City.
Ayon sa report ni SPO2 Edsel dela Cruz, dakong 10:00 ng gabi nitong Nobyembre 17 nang pagbabarilin ng suspek si Diokno sa loob ng establisimyento na nasa ikalawang palapag ng EPI Center Building sa Bgy. Balagtas.
Bumaba umano ang suspek at pinagbabaril ang rerespondeng si Guanzon bago tumakas.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril habang pinaghahanap na ang suspek. (Lyka Manalo)