CAMP PRESIDENT QUIRINO, Ilocos Sur – Nasa P200,000 ang alok sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga suspek sa pamamaslang kamakailan kay Magsingal Councilor Freddie Arquero.

Umaga nitong Nobyembre 13 nang pagbabarilin at mapatay si Arquero, 55, taga-Barangay San Lucas, Magsingal, ng mga hindi nakilalang suspek sa Bgy. San Basilio, Magsingal.

Sinabi kahapon ni Chief Insp. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Provincial Office, na kinalap ng pamilya ng konsehal ang nasabing halaga ng pabuya para sa agarang pagresolba sa krimen. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog