Natapos din ang maliligayang araw ng isang ama na umano’y nanghalay at nakabuntis sa sarili niyang anak makalipas ang anim na taong pagtatago, makaraan siyang madakip sa kanilang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng hatinggabi.

Walang piyansang inirekomenda ang husgado para sa pansamantalang paglaya ni Lolito Cooling, 40, ng Lamesa Street, Barangay Ugong, na nahaharap sa mga kasong rape at paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Base sa record ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, hinalay umano ni Cooling ang dalagita niyang anak noong 2010.

Matapos madiskubre ng kanyang misis ang panghahalay ay hindi na umuwi ng bahay ang suspek at anim na taong nagtago sa Libiran, Leyte.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Bandang 12:30 ng hatinggabi nang nakumpirma ni Senior Insp. Jose R. Hizon, head ng Station Investigation Unit (SIU), na umuwi ng bahay si Cooling.

“Nakipagkasundo raw itong suspek sa asawa na patawarin na siya kaya nakauwi na sa kanila. Hindi naman basta ganoon na lang kasi may pending warrant na siya (Cooling),” ani Hizon.

Sa ngayon ay limang taon na ang anak ni Cooling sa kanyang anak. (Orly L. Barcala)