glaiza-copy

MASAYA si Glaiza de Castro sa kinumpirma ni Direk Mark Reyes na extended hanggang February 2017 ang Encantadia na kasali siya at gumaganap sa role ni Sang’gre Pirena.

“Merry Christmas, Happy New Year at Happy Birtday na rin sa aming lahat ng cast sa magandang balitang ‘yan. Nakaka-inspired magtrabaho na alam mong naa-appreciate ng viewers ang trabaho ninyo. Reward sa amin ang positive feedback at mataas na rating ng show. Dapat, magsipag pa kami,” pahayag ni Glaiza.

Alam ni Glaiza na hindi lahat ng viewers natutuwa kay Pirena dahil sa pinaggagawa nito, ang pang-aaway sa mga kapatid at pagkamkam sa mga brilyante. Pati ang kagustuhang maging reyna ng Lireo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Misguided lang si Pirena at feeling niya, walang nagmamahal sa kanya. Abangan nila ang next episodes ng Encantadia at may malaking twist ang karakter ni Pirena na ikagugulat ng lahat. In fact, marami pang pasabog ang show, tuluy-tuloy lang ang panonood,” dagdag pa ni Glaiza.

Samantala, hindi makapag-comment si Glaiza sa naranasang sexual harassment ng kanyang kaibigang si Rhian Ramos dahil hindi niya alam. Hindi siya nakakapag-online sa sobrang hectic ng schedule. Mag-online man, ang sariling social media account lang ang natsi-check niya at hindi na nabibisita ang account ng iba.

“Dapat talaga hindi lang sa Quezon City ang ordinance na ipinagbabawal ang catcalling and other forms of street-level sexual harassment, dapat sa buong bansa. Dapat din panagutan ng lalaking nambastos kay Rhian ang kanyang ginawa.

Kailangang turuan siya ng leksiyon,” pahayag ni Glaiza.

Anyway, si Glaiza ang guest sa concert ni Alden Richards sa Hong Kong sa December 18 billed One Fine Day With The Bae. First time magsasama sa concert ang dalawa at sana, walang maging isyu sa ibang fans ng aktor. (Nitz Miralles)