CABANATUAN CITY – Isang umano’y magnanakaw ng kambing ang nasakote ng mga miyembro ng Barangay Patrol Action Team (BPAT) matapos maaktuhan sa Barangay Samon sa lungsod na ito, nitong Martes ng gabi.
Dinala ng BPAT sa himpilan ng pulisya ang naaresto na si Rommel Sana, 30, binata, walang trabaho, at residente sa lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Joel B. Mendoza, dakong 9:15 ng gabi at papatakas umano si Sana nang mamataan ng BPAT habang tangay ang ninakaw na kambing na nagkakahalaga ng P3,000 mula sa bakuran ni Apolinario Bagos Jr., y Capillar, 37, negosyante sa lugar. (Light A. Nolasco)