macky-sunshine-and-children-copy

NAIKUWENTO sa amin ni Sunshine Cruz na nakilala na ng kanyang Tatlong Maria na sina Angel Francheska, Samantha Angeline, at Angelina Isabele ang boyfriend niya na si Macky Mathay.

Super enjoy raw ang tatlo nang makakuwentuhan nang matagal ang kanilang Tito Macky. Panay din ang pasasalamat ng tatlo kay Macky sa lunch date nilang lima.

Pero dedma na lang si Sunshine sa isang netizen na nangba-bash na wala namang ibang intensiyon kundi manira. Knows na rin naman daw kasi niya kung kanino galing ang bashing na ‘yun.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang rude comment sa post ni Macky, “Ang sweet nyo pero bawal makita ng girls ni @sunshinecruz718 ang tatay nila @cesarmontano GURL GAYAHIN MO SI @camillefarinasmathay pinahihiram nya kids nila ni Macky yun ang tama at CLASS!

@mackymathay turuan mo nga maging mabuti ‘yang mga yan sa tatay nila. Inaayos nyo marriage nyo ni miss @camillefarinasmathay ‘d parang inagaw na ni bold star ikaw kay @camillefarinasmathay WIFE OF MAC pa din. Di ba pinatatanggal ni @sunshinecruz718 yung profile ni miss CAMILE sa iyo???”

Natural, hindi pinalampas ni Macky ang comment na ‘yun at agad na sinagot at sinabihan na huwag nang makialam sa buhay nila.

“@beehive1937 pati bata pinapatulan mo. Shame on you. You have your own life whoever you are so please just mind it. You have no idea as to what really happened in our lives. God bless you.” (Jimi Escala)