Inaasahan ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ summit sa Peru sa susunod na linggo.

Ang pulong ay personal na hiniling ni Duterte nang mag-courtesy call sa Malacañang si Ambassador Igor Khovaev.

“Matuloy ho. Ako ang nanghingi niyan. Earlier tonight, I had a long talk with the ambassador of Russia. I reiterated my desire to meet Putin, bilateral,” ayon kay Duterte.

Samantala walang piling isyu na pag-uusapan ang dalawang lider. Magugunita na unang sinabi ng Pangulo na si Putin ang kanyang “favorite hero”.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“Wala naman akong hingiin. I want to be friends with him,” binigyang-diin ng Pangulo.

“I just want the two countries to be the best of friends. This is an economic world. If there are things we can sell them or export sa kanila, eh ‘di mas maganda,” dagdag pa ng Pangulo.

Nang tanungin kung excited ba ang Pangulo na makapulong si Putin, sinabi niya na, “Oo kasi mahilig sa baril e, mahilig sa hunting. Mahilig din ako sa hunting e.” (ELENA L. ABEN)