BAGUIO CITY - Tinadtad ng bala ng hindi nakilalang suspek ang isang supervisor sa isang malaking electronics company habang ipinaparada ang kanyang kotse sa tapat ng kanyang bahay sa siyudad na ito, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Ramil Saculles, acting director ng Baguio City Police Office (BCPO), ang biktimang si Roderick Austria Castor, 39, supervisor ng Texas Instrument, na nagtamo ng 23 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, dakong 10:00 ng gabi at katatapos lang igarahe ni Castor ang kanyang kotse sa tapat ng kanyang bahay sa Hamada Road sa Lourdes Extension nang sa pagbaba niya ay biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril siya. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog