Hollywood Foreign Press Association And InStyle Celebrate The 2017 Golden Globe Award Season

UMUKIT ng kasaysayan ang tatlong anak na babae ni Sylvester Stallone nang hiranging unang trio bilang Miss Golden Globe para sa 74th Golden Globe Awards sa susunod na taon.

“For the first time in Golden Globe history, we have proudly selected not one but three Miss Golden Globe representatives,” saad ni Lorezo Soria, presidente ng Hollywood Foreign Press Association, sa isang pahayag sa pagkakapili kina Sophia, 20-anyos; Sistine, 18-anyos, at Scarlet, 14-anyos.

“The Stallone sisters will continue our time honored tradition of handing out the statuettes at the awards ceremony.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tradisyunal na ibinibigay ang Miss Golden Globe representative, na pinipili ng HFPA, sa anak ng isang well-respected Hollywood actor.

“The trio will assist presenters in handing out the awards at the Golden Globes on January 8, 2017,” sulat ng The Hollywood Reporter.

Ibinahagi ng magkakapatid, na anak ni Stallone sa kanyang pangatlong asawa na si Jennifer Flayin, sa isang panayam ang excitement at kasiyahan sa pagiging bahagi ng organisasyon na “multiple times has recognized our father’s work in film.”

Dalawang beses naging nominado si Stallone, 70-anyos, sa Golden Globe sa pagganap ng sikat na si Rocky Balboa sa unang pelikula ng Rocky. Noong 2015, kinilala siya bilang best supporting actor sa kanyang pagganap sa pinakabagong installment na Creed.

Sa isang panayam sa ET, pinasalamatan ni Stallone ang kanyang asawa sa maayos na pagpapalaki sa kanilang mga anak.

“I’m stunned that life has moved by so quickly, and my daughters turned out so wonderfully… I have to give Jennifer all the credit,” aniya.

Kabilang sa mga nakaraang hinirang na Miss Golden Globe ang anak na babae ni Jamie Foxx na si Corinne, anak na babae nina Kevin Bacon at Kyra Sedgwick na si Sosie, at anak nina Clint Eastwood at Franches Fisher na si Francesca.

(MB Entertainment)