Matinding pinsala sa ulo at katawan ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang rider matapos sumemplang at sumalpok sa isang puno sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital si Joseph Carbona, 23, ng Purok 2, Lower Bañas, Lantawan, Basilan.

Sa ulat ng Taguig Traffic Department, dakong 2:10 ng madaling araw nangyari ang aksidente sa C-5 Service Road, Heritage Park southbound lane, Phase II, Barangay Pinagsama ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo (XL-9051) nang mawalan ito ng preno pagsapit sa pakurbadang kalsada hanggang sa tuluyang bumangga sa malaking puno.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Carbona at bumagsak sa semento dahilan upang magtamo siya ng pinsala sa ulo at katawan. (Bella Gamotea)