Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 sa Pasay City Prosecutor’s Office ang isang Malaysian nang tangkain nitong magpuslit ng 4.6 kilo ng high grade cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Nasruddin Bin Mohd Hasman, 25, ng Malaysia, na dumating sa bansa nitong Lunes, dakong 7:00 ng gabi sakay sa Etophian Airlines mula Africa via Bangkok.

Nakumpiska mula sa bagahe ng suspek ang 4.6 kilo ng cocaine, tinatayang nagkakahalaga ng P23 hanggang P25 milyon, na isinilid sa 216 pirasong lata na itinago sa pamamagitan ng tsokolate. (BELLA GAMOTEA at ARIEL FERNANDEZ)

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs