kathryn-copy-copy

NAGBUBUNYI ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil ang kanilang idolo pa rin ang magkatrabaho sa papasok na bagong taon. Taliwas ito sa mga naunang tsismis na paghihiwalayin sila pansamantala as love team at susubukang ipares sa iba.

Sa isang bagong panayam, agad ibinalita ng aktor ang mga bagong development sa career nila ni Kathryn.

“Very excited naman ako sa lahat ng mga projects na ‘binibigay, dahil iba na naman siyempre ang tema nito at challenge na naman ito sa amin ni Kathryn kung paano naman sila maipapakita sa tao,” aniya nang ma-interview siya habang isinasagawa ang practice game at paghahanda ng kanyang Team Daniel para sa papalapit nang Kapamilya Playoffs na gaganapin sa SM Mall of Asia sa November 27.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nag-level-up ang roles ng KathNiel sa huling pelikula nilang Barcelona: A Love Untold. Wala silang pakialam sa init at tindi ng kanilang mga kissing scenes. Lalampasan ba ba nila iyon sa bago nilang film project sa Star Cinema?

“Ganu’n na lang muna. Sobra naman kapag ano... ganu’n na lang muna,” sey ni DJ (palayaw ng aktor). “ Siguro gagawa tayo ng mas light siguro, kasi du’n sa Barcelona medyo mabigat.”

Happy si Daniel habang naghahanda ang kanyang team para sa basketball event nila sa SM Mall of Asia.

“May mga makakasama tayong mga artista, magbaba-baskteball for fun and para din sa mga supporters natin na gusto ding manood ng basketball at makita kaming maglaro ng basketball.

Makakalaban ng Daniels Team Black ang Gerald Andersons Team Blue sa Kapamilya Play Offs. (ADOR SALUTA)