CEBU – nakatakdang makipagpulong si Games & Amusements Board (GAB) chairman Abraham Mitra sa mga miyembro ng sektor ng boxing.

Ayon kay Mitra, kakausapin niya ang mga premyadong boxing promoters, manager at ring officials sa Nov. 26 sa Cebu GAB office sa DBP Building, Jones Ave. Cebu City.

Kasama sa pulong sina GAB commissioner Edward Trinidad at Matthew Gaston, na pawang magtutungo sa Queen City of the South para dumalo sa laban nina Milan Melindo vs Fahlan Sakkreerin para sa IBF interim world junior flyweight championship.

Ang pulong ay bahagi sa mandato ng GAB at paraan upang mapalamit sa mga tao na may kinalaman sa boxing.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Iginiit ni Mitra na target niyang linisin ang GAB mula sa mga kurap na opisyal,

Sa panayam ng Philboxing, sinabi mi Mitra na target niyang mapabago ang imahe ng GAB at paunlarin ang ahensiya.

Kabilang sa repormang isusulong ni Mitra ang mga sumusunod:

--mas mahabang taon sa lisensiya ng mga opistal at boxer

-- ayusin nang mabuti ang GAB website

-- Mag-alok ng kinatawan mula sa media invite representatives from promoters and media parasa Ratings Committee

“I want to hear directly from the boxing community on how to improve the industry. We want to be as transparent as possible,” giit ni Mitra.