Limang manlalaro ng Lyceum of the Philippines ang umiskor ng double digit sa pamumuno ni Cherilyn Sindayen upang maiposte ang 21-25, 25-16, 21-25, 25-22, 15 10 kontra Letran kahapon sa pagbubukas ng NCAA Season 92 volleyball tournament sa San Juan Arena.

Umiskor si Sindayen ng 24 puntos na kinabibilangan ng 21 hits bukod pa sa 9 na dig upang pamunuan ang nasabing panalo ng Lady Pirates na ginagabayan ng beteranong coach na si Emil Lontoc.

Nag- ambag naman ng 14 puntos si Czarina Pauline Orros at tig-11 puntos sina Christine Miralles at Rannine Fabay habang nagdagdag naman ng 10-puntos si Monica Jane Sevilla para sa opening win ng Lyceum.

Sa panig ng Lady Knights, nagtapos na topscorer si Mikaela Lopez na may 12 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sumandig ang Lady Pirates sa kanilang power hitting na nagbunga ng 58 hit kumpara sa 41 lamang ng Lady Knights.

Naging dikdikan ang laban at umabot ng decider dahil sa dami ng turnover ng Lyceum na umabot ng 41 kumpara sa 32 ng Letran. (Marivic Awitan)