matteo-at-sarah-copy

INAMIN ni Matteo Guidicelli na napapadalas na nga ang pagpunta ng kanyang kasintahang si Sarah Geronimo sa hometown niya sa Cebu. Binanggit ni Matteo na halos lahat ng mga kamag-anak at mga kaibigan niya ay nakausap na ni Sarah.

Masayang kuwento pa ni Matteo, halos lahat nga raw ng nakakausap niyang mga kababayan niya ay nagsasabing adopted daughter na ng Cebu si Sarah.

Well publicized ang pag-uwi sa Cebu ng magkasintahan kamakailan para doon ipagdiwang ang kanilang tatlong taong pagiging magkasintahan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We swam with the butandings. Siyempre, masaya kaming lahat,” sey ni Matteo.

Sa dalas nga raw ng pagdalaw ni Sarah sa probinsiya niya ay may mga natutuhan na sa Cebuano dialect ang pop princess.

Kaya sa tuwing may mag-uusap ng Bisaya ay nakakaintindi na raw si Sarah.

Mabilis na sumagot si Matteo nang tanungin kung posibleng sa Cebu sila magpakasal.

“Well, maybe in Cebu, pero I don’t know. I started there. We’ll, if she wanted it there, then why not? Hindi lang naman ako ang magdedesisyon. I mean, I’m not the only one getting married,” sey ng Kapamilya actor.

Nagiging paboritong bakasyunan ni Sarah ang Cebu, pero hindi lang sila doon nakakapagbakasyon ni Matteo. Dahil last Sunday, nag-post sa Instagram ang aktor ng picture nilang dalawa na kuha sa statue ng famous dog na si Hachiko sa Shibuya, Tokyo.

Nagtungo si Sarah sa Japan last week para tanggapin ang Best Asian Performer award na napanalunan niya sa 2016 Classic Rock Awards.

Samantala, naniniwala si Matteo na may relasyon na sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at ang sikat na car racer na si Marlon Stockinger. Kaibigan kasi ni Matteo si Marlon. (JIMI ESCALA)