KINULIT namin si Arjo Atayde nang muli naming makita kung ano ang pangalan ng babaeng nililigawan niya/
“Huwag muna, tita baka kasi maudlot,” may pakiusap na sabi niya. “Hayaan muna natin, masyadong bago pa lang kaming magkakilala. It’s more of a getting-to-know stage for now.”
Bihira naming makita si Arjo kapag pumupunta kami sa bahay nila dahil lagi siyang busy sa tapings ng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya tuwing Linggo lang siya nakakasama ng pamilya niya – ang family day nila. Pero kapag may date o magkikita sila ng nililigawan niya ay parati siyang may oras.
“Of course. Kung gusto mo talaga, may paraan, di ba? Wala namang palusot,” tumawang sagot ng aktor.
Inamin ni Arjo na inspired siyang magtrabaho ngayon dahil may nagpapasaya sa kanya bukod sa pamilya.
Ano ang nagustuhan niya sa girl dahil pagkalipas ng mahigit tatlong taon ay ngayon lang siya umamin na may nagpapasaya na ulit sa kanya?
“Simple siya, sobrang simple, mabait. Like any other guy would look for in a girl, traits for a girl, mabait, simple, easy to get along with and nakikipagbiruan,” kaswal na sagot ng aktor.
Saan sila madalas pumunta kapag lumalabas sila?
“Mahilig kasi akong kumain, eh. I like trying out restaurants that I haven’t been to,” matipid na sagot.
Saang mall sila madalas pumunta?
“Iba-iba, like if we go out today it’s one resto, if we go out the next day, it’s another one.”
Nanood na ba sila ng sine?
“We did na, we watched a movie once,” pag-amin ng binata.
Uso na talaga ngayon na maski nagliligawan pa lang ay puwede nang manood ng sine nang walang chaperon.
(Hay... talo mo pa talaga ang nanay, ha-ha-ha! –DMB) (Reggee Bonoan)