NAGTATANONG ang fans ni Aljur Abrenica kung ano ang nangyari at sa pagbabalikan nila ni Kylie Padilla ay mukhang in love na in love siya kaysa kay Kylie.
Nagugulat ang fans sa pagiging showy at open ng aktor kung gaano niya kamahal ang girlfriend na never nakita o narinig sa kanya sa first round ng relasyon nila.
Ngayon, nababasa ang mga post niyang , “I must’ve been a saint in my past life to deserve you on this one” at “I got your back, front, side, top and under...”
Samantalang cool lang si Kylie, nagpo-post lang ito ng picture ni Aljur sa Instagram account niya, pero walang mga nakakakilig na caption gaya ng ginagawa ni Aljur.
Anyway, tiyak na mas lalong inspired magtrabaho ngayon ang dalawa, lalo na si Kylie na laging mabibigat ang mga eksena sa Encantadia. At least kahit pagod, alam na pag-uwi niya, sasalubungin siya ni Aljur at baka sabay pa silang kumain.
Ang wish ng fans nina Aljur at Kylie, pagkatapos ng Encantadia ay sila naman sana ang pagtambalin. Kaya lang matagal pa ito dahil hanggang February 2017 daw ang fantaserye at ‘pag nagtapos ito, hindi agad mabibigyan ng kasunod na show si Kylie.
Aabot ng ilang buwan para makalimutan muna ng viewers na siya si Reyna Amihan sa Encantadia. (Nitz Miralles)