TARLAC CITY – Limang katao na kinabibilangan ng mga sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya ang nadakip kamakailan sa isang buy-bust operation at naaktuhan sa pot session sa Barangay San Sebastian, Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Insp. Wilhelmino A. Alcantara kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, nadakip sa buy-bust si Bobby Tiamzon, 36, may asawa, na nakumpiskahan ng tatlong plastic sachet ng 0.198 gramo ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Naaktuhan naman sa pot session at nasamsaman ng drug paraphernalia sina Jodilyn Tria, 31, may asawa, ng Bgy. San Vicente; Jonely Ramos, 29, may asawa; Ryan Tamina, 34, binata; at Dennis Samin, 35, may asawa, ng Bgy. San Isidro, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’