Mahigpit na ipinagbabawal sa mga empleyado ng Quezon City Hall at pwersa ng pulisya ang ‘may lamang pagbati’ ngayong panahon ng kapaskuhan.

Posibleng maharap sa kasong extortion ang mga babati na ang kahulugan ay panghihingi ng regalo.

Una nang pinaalalahanan ni 1st District Councilor Victor Ferrer Jr., ang mga empleyado na huwag ibitin ang pag-iisyu ng permit at mga nire-request na dokumento, kapalit ng Christmas gift.

“We have to be clear about this. Under no circumstances are city hall clients compelled to handout Christmas gifts or grease money to any city hall employee just to secure their documents,’’ ayon kay Ferrer.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Pinaalalahanan din ni Garry Domingo, hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), ang kanyang mga tauhan laban sa pagso-solicit ng regalo.

“We assure the public that extortion is not allowed in the office. But BPLO employees must be subjected to a thorough and impartial investigation before any verdict is imposed on them,’’ ani Domingo.

Nanawagan din si Domingo sa publiko na huwag suhulan o regaluhan ang mga empleyado ng city hall upang hindi mapahamak ang mga ito. (Chito A. Chavez)