Pwedeng magpa-interview pa rin kay Kris Aquino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi naman inisnab ng Pangulo ang interview ni Kris, nagkataon lang na masama ang pakiramdam ng Chief Executive.

“Anything is a possibility. Everything is a possibility,” ayon kay Andanar sa radyo, nang tanungin kung pwedeng muling i-eskedyul ang interview ni Kris sa Pangulo.

Migraine na dinanas umano ng Pangulo ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang one-on-one interview sa kanya ni Kris sa summit na inorganisa ng Department of Trade and Industry at Go Negosyo sa Davao City nitong Biyernes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang makarekober sa sakit ng ulo, dalawang event pa ang dinaluhan ng Pangulo.

Samantala nagpahayag naman ng pagkadismaya sa ‘epic snub’ ng Pangulo si Kris.

Pero umaasa pa rin si Kris na sa mga susunod na panahon ay pagbibigyan ng Pangulo ang hiling niyang interview.

(Genalyn D. Kabiling)