ANAO, Tarlac - Full blast pa rin ang operasyon ng police intelligence operatives laban sa droga at isa na namang hinihinalang tulak ang nalambat sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Anao, Tarlac, nitong Miyerkules ng umaga.

Naaresto si Leonardo Estillore, 32, binata, ng Bgy. Carmen, Anao, Tarlac.

Narekober sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi matiyak na gramo ng shabu at P500 marked money.

Habang iniimbestigahan, nakuhanan uli si Estillore ng dalawa pang transparent plastic sachet. (Leandro Alborote)

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!