Binuhusan muna ng likido at saka sinilaban ng Iranian ang kanyang girlfriend na Pinay, matapos magtalo sa loob ng isang restaurant sa Japan.

Ayon sa report ng lokal na media sa Japan, naganap ang insidente sa eatery sa Ibaraki prefecture, norte ng Tokyo, nitong Biyernes.

Tumawag naman agad ng ambulansya ang mga kawani ng restaurant, kung saan sinabi nilang “people are burning.”

Sugatan ang 52-anyos na Iranian at 36-anyos na Pinay, at walang malay ang mga ito nang itakbo sa pagamutan.

Tio Moreno, nagpasaring kay Nicolas Torre III

Sa paunang report, nagtalo ang magkasintahan sa loob ng restaurant at kalaunan ay nakitang binubuhusan ng likido ng Iranian ang babae at saka pinag-apoy.

Samantala pinayuhan sila ng pulisya na layuan muna nila ang isa’t isa hangga’t pinagtatalunan pa nila ang kanilang anak.

Tinatrato naman ng mga awtoridad sa Japan na isang kaso ng attempted murder ang naganap na panununog sa nasabing lugar. (Agence France-Presse)