Pinaplano ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tulungan ang mga mangingisda sa lalawigan ng Luzon matapos ang halos isang buwan ng kanilang pagbabalik sa pangingisda sa pinagtatalunang Panatag Shoal na apat na taong ipinagbawal sa mga Pinoy.

Sinabi ni BFAR Region 1 director Nestor Domenden, aasistehan nila ang mga namamalakaya sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang fish shelters mula sa mga lugar na malapit sa dalampasigan patungo sa international limits ng bansa sa West Philippine Sea.

“Ini-encourage natin ang ating mga mangingisda na hindi na pumalaot pa ng malayo at maglalagay tayo ng mga payaw (fish shelters) kung saan gagamit din ang BFAR ng “5-5-5 method” sa paglalagay nila ng fish shelters na nangangahulugan na ilalagay ang payaw, limang kilometro mula sa dalampasigan,” sabi ng opisyal.

Ayon pa sa kanya, mula nang tumigil sa pangha-harass ang Chinese Coast Guard noong Oktubre 26 ay patuloy na ang pangingisda ng mga Pinoy sa nasabing lugar.

Eleksyon

Willie, makikipag-away din daw sa senado: 'Para sa mahihirap!'

Naiulat na resulta lamang ito ng pakikipag-usap ni Presidente Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping noong nakaraang buwan. (Rommel P. Tabbad)