CABANATUAN CITY - Isang 49-anyos na ama ang nahaharap sa rape na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law makaraan siyang ireklamo ng tatlo niyang anak na babaeng pawang menor de edad na umano’y isa-isa niyang hinalay sa kanilang bahay sa Purok 1, Barangay San Isidro sa lungsod na ito.

Kinumpirma ng Cabanatuan City Police ang pagkakadakip nitong Biyernes sa suspek na tricycle driver at residente sa lugar. Piniling huwag pangalanan ang suspek upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng magkakapatid.

Sa imbestigasyon ni PO1 Marie S. Bello, dakong 2:00 ng umaga nitong Biyernes nang huling abusuhin ng suspek ang isa sa kanyang mga anak, hanggang sa magtapat na rin ang dalawa pang anak na halinhinan silang ginahasa ng ama noong Pebrero 9, 2012; Enero 17, 2016; at Oktubre 30, 2016.

Ayon sa ina ng mga biktima, sinabi ng kanyang mga anak na halinhinan ang mga itong ginagahasa ng suspek kapag wala siya sa bahay. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’