Isang hindi pa nakikilalang lalaki na umano’y biktima ng summary execution ang itinapon sa bakanteng lote sa Navotas City, nitong Huwebes ng umaga.
Isinilid sa sako ang biktima na inilarawan na nasa edad 40-45, may taas na 5’1”, nakasuot ng checkerd shorts, may masking tape sa bibig, may tattoo na “Buknoy” sa kaliwang balikat, at “Ador Ramirez” sa kanang balikat.
Sa report ni PO3 Michael Burgos, dakong 8:30 ng umaga, naglabasan ang mga residente ng Tanigue Street, Barangay NBBS, Navotas City, dahil sa nakasusulasok na amoy na nagmumula sa sako na itinapon sa bakanteng lote.
At nang buksan ng mga barangay official ang nakataling sako, tumambad ang bangkay ng biktima.
Ayon kay Police Sr. Insp. Avelino Andaya ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), pinatay sa sakal ang biktima dahil sa nakitang mga pasa sa leeg. (Orly L. Barcala)