Hindi pinayagan ng doktor ni Senator Ramon “Bong” Revilla na palabasin siya St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Taguig dahil hindi pa natatapos ang kanyang medical tests.

Inirekomenda ni Orthopedic surgeon Dr. Rolando Ochoa, doktor ni Revilla, na isailalim sa biopsy ang kanyang pasyente at pahabain pa ang confinement nito sa ospital.

Idinahilan ng doktor ang nararanasang hypertension at pagsusuka ng kanyang pasyente.

Nauna nang inihayag ni Police Supt. Arnel Aplid, hepe ng Philippine National Police (PNP) Custodial Service Unit, na hindi sila pinayagan ni Ochoa na masundo sa ospital si Revilla dahil “hindi pa tapos ang pagsasailalim sa kanya sa medical examinations.”

National

German, tiklo; nagpuslit ng higit ₱55M halaga ng shabu, itinago sa mga Bibliya!

Nakapiit si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel fund scam noong 2014.