ria-sylvia-at-arjo-copy-copy

SUNUD-SUNOD ang suwerteng dumarating sa mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde. Pagkaraan ng 27 years sa showbiz, heto at bida sa sariling serye na The Greatest Love si Ibyang at kamakailan ay nanalong Best Supporting Actor para sa FPJ’s Ang Probinsyano at Best New Female TV Personality sa nakaraang PMPC Star Awards for TV ang dalawang bagets.

Last Tuesday, ini-launch naman ang magkapatid na Arjo at Ria na kasama sa cast ng OTJ mini-series na produced ng HOOQ at Globe Studios mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Nang makita namin si Ria sa launching OTJ ay inisip naming sinamahan lang niya ang kanyang Kuya Arjo, kumaway pa nga kami sa kanya, at ngumiti naman.

ALAMIN: Magkano ang mawawala kada araw sakaling matuloy ang ‘no remittance week?’

Pero pinaupo si Ria sa hilera ng cast ng mini-series kasama sina Bela Padilla, Dominic Ochoa, Neil Ryan Sese, Nonoy Froilan, Smokey Manaloto, Teroy Guzman, Jake Macapagal, Leo Martinez at ‘yung batang kasama sa Patintero na si Nafa Hilario Cruz bigla kaming napasenyas kung kasama siya sa cast at ikinangiti uli ng dalaga sabay tango.

Ni walang binanggit ang dalaga nang magkasama kami sa birthday party ng kuya Arjo niya. Anyway, nagpasalamat si Ruia nang tawagin ni Direk Erik bilang isa sa cast ng OTJ.

“Sa akin sobrang honor na makasama sa project na ito, kasi unang-una si Arjo pa lang ang c-in-ast, so ako, kinilig na ako kasi bata pa lang kami sobrang idol na namin si Direk Erik kasi dapat ididirek niya ‘yung parang lead film ng mom (Ibyang) ko pero hindi po natuloy ‘yung film na ‘yun kasi nabuntis si Mommy kay Arjo.

“So, parang nag-full circle ‘yung career ni Mom. So imbes na si Mom ang ididirek ni Direk Erik, kaming dalawa na lang ni Arjo. Its an honor to be working with Direk Erik and to be part of something that discusses something that we don’t talk about, something that we don’t really talk about. And aside from that, it’s really an honor to be part of something that would definitely change Philippine media because HOOQ, Globe and Reality Entertainment.

“This is the first collaboration of original content so as a new actress like me sobrang nakakakilig, sobrang nakakataba ng puso na my talent is being recognized so, thank you po,” nakangiting sabi ng baguhang aktres.

Pagkatapos ng presscon ay kaagad nawala sa paningin namin si Ria, na ayon sa handler niya ay nagmamadaling umalis dahil hinihintay ng bunsong kapatid na si Xavi na may event pala sa school.

Tinext namin ang dalaga at tinanong kung paano siya napasama sa cast.

“Ha-ha-ha! Hi tita, surprise, ‘no? Anyway, ganito po kasi ‘yun. ‘Yung GM (general manager) ng Reality Entertainment was my batchmate in DLSU (De La Salle University), same course. ‘Tapos m-in-essage niya ako sa Facebook about Direk Erik wanting to meet Arjo to discuss a role.

“So ako, super kilig for Arjo kasi nga, direk Erik ‘yun, OMG! OTJ (movie) favorite namin ‘yun, eh. ‘Tapos siguro, two weeks after, tinext niya ako na gusto rin ako i-meet para i-cast, so I referred her to my handler, Tita Cris Navarro (ng Star Magic) and here we are now.

“To be working with Arjo, honestly tita, sa tingin ko, hindi kami magkakaeksena since different worlds/storylines kami, but for the both of us to be in the same show is already super nice for me.

“Ang sarap sa pakiramdam na kahit paano, slowly but surely, naabot na namin ‘yung mga pangarap namin,”mahabang mensahe ni Ria sa amin.

Nagkasama na sina Arjo at Sylvia sa Pure Heart at nagkatrabaho na rin ni Ibyang si Ria sa Ningning. Iisa na lang ang gustong mangyari ng tatlo, mabigyan sila ng project na magkakasama. Pero mas nauna ngang pagsamahin muna ang magkapatid.

“Okay lang po na wala si Mommy for now, nagkatrabaho na kami and same with Arjo. So time naman namin ni Arjo, ha-ha-ha. Alam ko naman po na someday, matutupad ‘yung pangarap naming tatlo,” pahayag ng dalaga.

Samantala, gagampanan ni Ria ang karakter na si Karen Salas, anak ng protagonist na si Sisoy Salas na gagampanan naman ni Teroy Guzman.

“Teacher po ako rito and since namatay ang nanay naming tatlong magkakapatid at busy parati ‘yung daddy namin, ako ang tumayong head of of the house, in charge sa groceries, pagtulong sa mga kapatid ko, sa pagba-budget at sa pag-aasikaso sa bahay, basically,” kuwento ni Ria sa gagampanan niyang papel sa OTJ mini-series.

Parang true-to-life dahil kapag wala ang Mommy Sylvia niya tuwing busy sa taping ay siya ang pumupunta sa events ng mga kapatid niya. So, walang challenge para sa kanya ang role dahil kayang-kaya niyang gawin.

“Ha-ha-ha, hindi naman, ang challenge po roon is to make it different from what I’ve done and how I am. Like iba rin kasi walang nanay, ‘yung character ko, so may pinanggagalingan ‘yung characteristics ko po,” paliwanag ng dalaga.

Sa susunod na linggo na ang taping ng OTJ mini-series na nagkaroon na ng storycon at script reading nitong nakaraang Miyerkules ng hapon. (REGGEE BONOAN)