football-copy

Walang korona na nakataya o ano pang world ranking, ngunit sapat na ang suportang ipinakita ng madla para muling ganahan ang Philippine Azkals tungo sa 1-0 panalo kontra Kyrgyzstan Miyerkules ng gabi sa huling friendly match bago sumabak ang Pinoy sa Suzuki Cup.

Hindi man napuno ang Rizal Memorial Stadium tulad sa mga nakalipas na laban ng Azkals, sapat na ang hiyawan ng maliit ng loyal crowd para mabuhay ang gana ng Philippine Team tungo sa mas mabigat na laban ng kanilang kampanya sa international stage.

Naitala ni Misagh Bahadoran ang tanging goal para masungkit ng Azkals ang unang panalo sa tatlong exhibition match ngayong buwan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Mistulang pampalakas ng loob sa Pinoy ang panalo bago ang pakikipagtuos sa mas matataas na rank na karibal sa Suzuki Cup sa Nobyembre 19.

“It’s a work in progress, but I like the way we’re headed,” pahayag ni Azkals manager Dan Palami.

“We’re peaking at the right time.”

Matapos ang maaksiyong first half, nagpatuloy ang matikas na tunggaliian bago ipinasok si Bahadoran na nakipagkutsabahan kay Iain Ramsay para ma-set up ang winning goal.

Naulit ng Global FC star ang kabayanihan sa 2-1 panalo sa Kyrgyzstan sa Bishkek noong Setyembre.