MAS matalas ang memorya ng kakabaihan kumpara sa kalalakihan. Sa pag-aaral na inilathala ng journal na Menopause, napag-alaman na mas magaling mag-perform ang kababaihan na nasa edad 45 hanggang 55 sa lahat ng memory measures.
Umaabot sa 75 porsiyento ng mga tao ang nakakaranas ng problema sa memorya habang tumatanda. Kabilang sa mga sanhi nito ang dementia at Alzheimer’s disease (AD). Mas may posibilidad na magkaroon ng AD at dementia ang kababaihan kaysa kalalakihan.
Kapag nag-menopause ay nagiging makakalimutin ang mga babae at nakararanas ng “brain fog,” kaya para sa iba ay nagpapatuloy ang ganitong paghina ng memorya matapos ang menopause. Napag-alaman ng ibang researcher na nahihirapan ang kakabihan pagdating sa verbal fluency sa pagsapit sa ganitong edad.
Gayunman, ang kababaihan na may malusog na utak sa pagtanda ay mas matalas pa rin kumpara sa kalalakihan pagdating sa memory function, maging sa kanilang midlife at katandaan.
Kaya iminumungkahi ng ibang pag-aaral na maging sa kabataan ay mas mahusay pa rin sa memory task ang kababaihan kaysa kalalakihan, partikular sa verbal memory. Mas mapapansin ang pagkakaiba ng dalawa pagkatapos ng puberty, at magpapatuloy ito sa pagtanda.
Iniimbestigahan ng mga researcher mula Boston, MA, kung paano nakakaapekto ang menopause at lebel sex steroids sa memorya ng tao.
Pinaniniwalaan na nakakaapekto ang neuroactive sex steroid hormones kabilang ang estradiol sa pagkatuto at memorya ng kababaihan.
Nakakaapekto ang estradiol sa function ng brain regions na konektado sa memorya. Sa pagbaba ng lebel sa kasagsagan ng menstrual cycle, maaari ring magbago ang verbal working memory performance.
Sumailalim sa pag-aaral ang 212 lalaki at babae na nasa edad pagitan 45 hanggang 55. Ikinumpara ng grupo ang performance ng babae at ng lalaki, pati na rin ang kababaihan bago, sa kasalukuyan, at matapos ang menopause.
Lumabas sa resulta na mas nanaig pa rin ang kababaihan kaysa kalalakihan, at nakakuha ng mas mataas na iskor ang kababaihan na nasa premenopausal o perimenopausal kumpara sa kababaihan na nasa postmenopausal. Naiugnay ang estradiol levels sa performance ng tao anuman ang kanilang chronological age.
Sa paghina na estradiol sa menopause, mas nahihirapan ang kababaihan na matuto at makaalala ng impormasyon. Gayunman, patuloy na epektibong nakakaipon sila ng mga alaala. Iminumungkahi ng resulta na apektado ang iba’t ibang bahagi ng utak. (Medical News Today)