LUPAO, Nueva Ecija - Sa takot na maaresto at makulong, boluntaryong sumuko sa himpilan ng Lupao Police ang isang dating alkalde at isang negosyanteng kilala sa bayang ito, matapos nilang mabalitaan na inilabas na ang arrest warrant para sa kanila kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft & Corrupt Practices Act.

Kinilala ng Lupao Police ang sumuko na sina Richard Ramos y Mejia, 46, dating alkalde ng Lupao; at Shiela Marie Jacalan y Orbillo, 45, kapwa taga-Barangay Poblacion North.

Oktubre 24, 2016 nang ipalabas ni Rodolfo Ponferrada, chairperson ng Sixth Division ng Sandiganbayan, ang arrest warrant para sa dalawa, na kaagad na nagpiyansa ng tig-P30,000. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol