renz-fernandez-copy-copy

KASAMA si Renz Fernandez, ang anak nina Rudy Fernandez (SLN) at Lorna Tolentino sa OTJ (On The Job) mini-series na handog ng HOOQ, Globe Studios at Reality Entertainment nina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

“Ang role ko po rito ay si Jek, siyempre very honored ako na makatrabaho si Direk Erik Matti at masaya ako na nakikita ko kayong lahat na nandito rin, sana mag-enjoy tayo sa lalabas na produkto,” kuwento ni Renz sa Q and A ng presscon last Tuesday.

Tulad nang makaharap ng entertainment press si Rap sa press launch naman ng Cinema One Originals Festival 2016 dahil kasama siya sa pelikulang Every Room Is A Planet, lalo pang napansing na mas nagmana si Renz sa pananalita at kilos ng amang si Rudy.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Pagkatapos ng Q and A ay na-interview ang aktor tungkol sa half-brother niyang si Mark Anthony Fernandez na nakapiit sa district jail ng Camp Benito, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City Police Station 6 na gustong magpalipat sana sa San Fernando, Pampanga dahil masyado raw masikip sa kinalalagyan niya ngayon.

Kinumusta kay Renz ang Kuya Mark niya.

“Actually ‘yung last time (na pagbisita nila), mga three weeks ago ‘tapos dinalaw siya nu’ng isa kong kapatid recently dahil nag-taping siya du’n sa kulungan kung saan siya.

“Hindi raw masyado okay, so hayun, malungkot kami para du’n. Hindi masyado maayos, eh, pero sana pakawalan na siya kasi mabait siya, eh. At saka hindi ko puwede ikuwento ‘yung buong istorya baka, magalit ‘yung abogado.”

Nalungkot si Renz nang mapag-usapan ang tungkol sa diumano’y paglalaslas ng pulso ni Mark gamit ang gunting na kinuha sa barbero habang ginugupitan siya at nanutok ng kapwa bilanggo.

“Wala akong magagawa, eh. Siyempre naapektuhan. Actually, hindi ko puwede i-discuss masyado, eh, dahil sabi ng abogado. Pero bilang pamilya, alam mo naman, masakit para sa amin. Nandito kami lagi. Kahit nu’ng dati pa naman.

Umaasa ako na magiging favorable ang batas sa kanya dahil nasa tama siya, eh,” pahayag ng aktor.

“Sana makalaya na siya,” pahayag pa ni Renz. “’Yun ang pangarap ko. Sana palayain na siya. Sabi niya sa akin tulungan ko daw siya, ipagdasal ko daw siya ‘tapos sabi ko sa kanya, huwag siya susuko dahil malalagpasan niya ‘yan.

“Unang-una ang pagdarasal, ‘yun ang number one. Pangalawa, pagbisita sa kanya. ‘Tapos moral support. ‘Tapos lahat ng puwede kung ano man ang request niya. Pero limited pa rin.” (Reggee Bonoan)