MABINI, Pangasinan – Hindi na nakapagpigil ang isang 64-anyos na lalaki at sa matinding galit at nagawa niyang barilin ang nakababata niyang kapatid habang nakatalikod ito sa Barangay Cabinuangan sa bayang ito.

Dakong 6:50 ng gabi nitong Martes nang barilin ni Veronico Reyes, gamit ang improvised 12-gauge shotgun, ang kapatid niyang si Toribio Reyes, 52, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Nasa loob mismo ng bahay ang biktima nang barilin ng nakatatandang kapatid, na matagal na niyang kaalitan. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan