angel-copy

BIG deal at ikinatuwa ng fans nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado na pina-follow ni Jennylyn sa Instagram si Angel. Agad ibinalita ng fans ni Angel ang tungkol dito, wala pang reaction si Angel.

Walang away at walang rason para mag-away sina sina Angel at Jennylyn at may panahon pa nga noon na pareho silang hawak ng talent manager na si Becky Aguila. Pero dahil kay Luis Manzano na pareho nilang ex-boyfriend, parang iniwasan nila ang isa’t isa.

Pero ngayon, wala nang rason para hindi sila maging friends sa social media. Past is past, wika nga. Sino nga naman ang makakapagsabi na baka maging simula ito para maging friends na sila.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Samantala, marami ang naiyak sa ipinost ni Jennylyn na picture ng isang bata na natulog sa drawing ng isang babae gamit ang chalk. Simpleng “I miss you Mama...” ang caption ni Jennylyn sa picture, pero malakas ang impact sa mga nakakita. (NITZ MIRALLES)