Pagkakataon na ng United Nations (UN) climate negotiators na pabilisin ang pandaigdigang pagkilos sa kanilang pagpupulong ngayong Lunes sa Marrakech, Morocco ilang araw matapos magkabisa ang unang pandaigdigang kasunduan sa climate change.

“Marrakech is about getting down to business, clarifying the Paris Agreement’s rules of engagement, and empowering governments, businesses, cities, and other sectors to make increasingly ambitious commitments. We must leave these negotiations having a more solid framework, but knowing we already have all the power to create the world we need,” sabi ni Manuel Pulgar-Vidal, lider ng WWF International’s Climate and Energy Practice.

Sinasabi ng WWF na ngayon ang pagkakataon para sa mga lider na isakatuparan ang kanilang pangako na lilimitahan ang pagtaas ng temperature ng mundo.

“Decisions made in the next few years will largely determine if we’re able to achieve the 1.5°C (degrees Celsius) warming threshold agreed in Paris or if we take the unthinkable option of blowing right past it,” ani Pulgar-Vidal.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa Marrakech, kailangang magpokus ng mga negosyador sa paglilikha ng malilinaw na pamantayan para sa bagong pandaigdigang kasunduan.

Sa pamamagitan ng Paris Agreement, sinabi ni WWF na ang mga kasaping bansa ng UN Framework Convention on Climate Change ay nagkaroon ng plan of action ngunit hindi naisapinal ang mga patakaran para maisakatuparan ang mga planong ito.

Ang lahat ng partidong sangkot ay dapat na umalis sa 22nd Conference of Parties (COP22) na mas naliliwanagan sa proseso at kung paano nila maabot o mapabuti pa ang kanilang kasalukuyang climate pledges, upang magtagumpay ang mga bansa pagtupad sa kanilang pangako sa Paris Agreement, dagdag dito.

Dapat ding bigyang-diin ng mga partido ang halaga ng pagtutulungan ng state at non-state actors, dahil maraming non-state actors ang kumikilos na sa ngayon at kailangang magbigay ng senyales sa mga bansa na gumawa ng mas matatapang na hakbang, bago ang 2020, at ituloy-tuloy ang mga tagumpay sa mga susunod na taon, diin ng WWF.

Ayon sa WWF, ang 2018 ay ang susunod na pagkakataon ng mundo upang tingnan ang mga progreso tungo sa pagtatamo ng mga hangarin ng Paris at upang kumilos tungo sa mas ambisyosong mga plano climate change. (ELLALYN B. DE VERA)