Sa mismong bahay ng mga biktima itinumba ng tatlong armadong lalaki ang isang mag-asawa sa Las Piñas City kahapon.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan sina Jose Bongalon Sr., 60, ex-officer at Marilou, 58, ng Molave Street, Samantha Village, Barangay Talon 5 ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Las Piñas City Police chief Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 5:45 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa mismong bahay ng mag-asawa.

Kararating lang umano ng mag-asawa sa bahay matapos mamalengke at habang abala sa pag-aayos ng mga pinamili ay biglang pumasok ang tatlong suspek na armado ng hindi batid na kalibre ng baril, at tuluyang pinagbabaril ang mag-asawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam na ng mga pulis kung may kinalaman sa trabaho ng lalaking biktima ang pamamaril. (Bella Gamotea)