Sisikad muli ang Le Tour de Filipinas na tatahak sa Southern Luzon sa 2017 para sa ikawalo nitong edisyon simula sa Pebrero 18 hanggang 21.

Inihayag ito ng UCI sa pagtatakda sa Le Tour de Filipinas 2017 sa kalendaryo ng mga gaganaping karera sa UCI World Championships and Management Committee meeting sa Doha, Qatar, noong Oktubre.

Nagpasalamat ang race organizer Ube Media Inc. sa pamumuno ni President Donna Lina sa UCI at presidente n si Bryan Cookson, gayundin ang national federation for cycling, ang PhilCycling, sa pangunguna ni President Abraham “Bambol” Tolentino at Chairman Alberto Lina, sa muling pagbibigay pagkakataon sa bansa na maisagawa ang karera sa ikawalong sunod nitong taon.

“It is with pride that we are again conducting the Le Tour de Filipinas, proof that the UCI and PhilCycling have continually bestowed their trust and confidence that our organization, Ube Media Inc., conforms to standards for an international road race,” sabi ni Lina. (Angie Oredo)

Amores magle-lechong manok business muna: 'Mapapa-knockout ka sa sarap!'