marian-baby-zia-at-dingdong-copy

MISS na miss na ni Dingdong Dantes ang kanyang mag-ina, si Marian Rivera at ang malapit nang mag-one-year old unica hija nilang si Maria Letizia.

“Mahirap din pala ‘yong lagi mo silang kasama araw-araw, kapag dumating ang mga pagkakataong tulad nito, mami-miss mo sila talaga,” sabi ni Dingdong.

“Ngayon kasi nagsabay ang taping kong Alyas Robin Hood at ang pagtapos ko ng shooting ng movie ko sa Star Cinema, ang The Unamarried Wife. Dati ay taping lang ako ‘tapos on call sa shooting, pero ngayon, malapit na kaming mag-showing saka naman maraming malalaking eksena kaming ginagawa sa Alyas Robin Hood dahil mas lumalaki ang viewership namin, salamat sa inyong pagsubaybay.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

At malapit na nga rin ang first birthday ni Baby Zia, so, naghahanda na rin sila sa pagsapit nito sa November 23.

“Magkakaroon kami ng party para sa kanya,” sabi ni Dingdong. “Pero hindi iyong engrande, simple lamang ang inihahanda naming celebration, kasama ang immediate members ng family namin ni Yan. Ang mahalaga iyong magkakasama ang buong pamilya sa pagsi-celebrate namin ng kanyang first birthday. Iyong matatandaan niya ang ginawa niya noong kanyang unang birthday.”

May nakita kaming picture ni Marian na tinuturuang mag-blow ng candle si Zia na mukhang haping-hapi habang sinusundan ang ginagawa ng ina.

“Gusto lang naming i-enjoy ang oras namin sa aming anak habang isa pa lamang siyang baby. Ang bilis ng panahon, ilang buwan pa nadagdagan na ulit ang edad niya.”

Napapanood si Dingdong gabi-gabi sa Alyas Robin Hood ng GMA-7 pagkatapos ng Encantadia. At sa November 16, ang nationwide showing in cinemas ng The Unmarried Wife with Angelica Panganiban, sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

(NORA CALDERON)