Duguang bumulagta sa semento ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga, habang arestado naman ang nakatatanda niyang kapatid, sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi si Noel Navarro, alyas “Rigor”, ng 2015 Almeda Street, Barangay 226, Zone 21, Tondo, Maynila, matapos umanong manlaban habang inaaresto, habang arestado naman ang kanyang nakatatandang kapatid na si Delfin Navarro, 34, tricycle driver.

Sa ulat ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 10:15 ng gabi ikinasa ang buy-bust operation laban sa magkapatid.

Nagsilbing poseur buyer si PO1 Melchor dela Vega Jr. at iniabot kay Noel ang P300 marked money at iniabot naman ni Delfin ang isang maliit na pakete ng shabu.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Sa puntong ito nagbigay ng pre-arranged signal si Dela Vega sa mga kasamahan upang dakpin ang magkapatid, ngunit bago naaresto ay bumunot umano ng baril si Noel at nanlaban kaya’t hindi na nagdalawang-isip pa si PO1 Jeoffrey Cionelo na siya’y barilin. (Mary Ann Santiago)