angel-at-kris-copy

HINDI man natuloy ang pagiging magninang, si Angel Locsin pa rin naman ang isa sa best friends ni Kris Aquino. Hindi man madalas makitang lumalabas, siguradong may constant communication silang dalawa. Muntik maging ninang sa kasal ni Angel si Kris kung hindi sila nag-break ni Luis Manzano. Matatandaan na isa ang Queen of All Media sa gusto sanang maging ninang ng dalawa. Sa kabilang banda, common knowledge namang may sosyo si Kris sa taxi business ni Luis.

Kamakailan, nagpasama si Kris kay Angel sa pamimili ng kitchenware at mga gamit para sa dining room ng bagong bahay niya. Ipinost ni Kris ang tungkol dito sa Instagram.

“Back to work today... so much happening this November. Nag-iipon ng video blog posts, preparing for 3 major corporate presentations next week, finalizing our new office space, meeting for a new advocacy I’m so excited to be part of for Go Negosyo w/c launches next week... But 1st -- kitchenware & dining room supplies shopping date with @therealangellocsin -- made time for her because na-touch ako because she valued my opinion regarding what she’ll need.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

See? Hindi man natuloy, para pa rin silang magninang.

Samantala, napanatili ni Angel ang kanyang pagiging bankable star. Ayon sa latest update ng Star Cinema, kumita na ng P110M worldwide ang pelikulang The Third Party na pinagbibidahan nina Angel, Sam Milby at Zanjoe Marudo. Pumasok si Angel sa sirkulo ng iilang aktres natin na kumikita ang ginagawang pelikula ng more than P100M. (NITZ MIRALLES)