Galit na galit na pinagbabato ng mga residente ang mga bumbero matapos mahuli sa pagresponde sa nangyaring sunog sa Malabon City kahapon. Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon sa Malabon Fire Station, dakong 6:30 ng gabi nagsimulang masunog ang bahay ni Pacita Victor sa Arowana Street, corner Lapu-Lapu Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Dahil makipot na daan at sinabayan pa ng mabagal na daloy ng trapiko dahil sa paggunita ng Undas, bahagyang naantala ang pagresponde ng mga bumbero.

Pagdating na pagdating ng mga pamatay sunog sa lugar, pinagbabato sila ng mga bote ng mga residente.

National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

Bagamat nasaktan at nasugatan, hindi naman gumanti ang mga bumbero.

Tinatayang aabot sa P20,000 halaga ng ari-arian ang naabo. (Orly L. Barcala)